ILANG linggo na lang ang binibilang at magsisilang na ng kanyang first baby ang sexy Kapuso actress na si Solenn Heussaff. It’s a baby girl na labis naman na kinatuwa nina Solenn at mister na si Nico Bolzico. Kahit na malaki na rin ang pinagbubuntis sa tiyan ay paminsan-minsang lumalabas din ng bahay niya si Solenn doing her showbiz moves.
Tulad na lang kamakailan, sila ng mister na si Nico ang tumayong hosts sa isang event sa mall. Kering-keri naman ni Solenn ang pagiging buntis sa katunayan pa nga ay sexy pa rin ang dating niya. Kung nasa bahay naman si Solenn, ay tuloy-tuloy naman siya sa kanyang pagpinta, isa sa talent ni Solenn kung saan ay nagkaroon na rin siya ng ilang art exhibits.
At para mas lalong enjoy sa pagbubuntis ay join force naman sila lagi ni Anne Curtis na ilang buwan na rin nagdadalangtao. Ang mister ni Anne na si Erwan Heussaff ay kapatid ni Solenn. Kaya madalas makita ang dalawa na magkasama sa isang class para sa soon-to-be mommies. At siyempre pa para maging aware din ang kanyang mga followers at hindi siya ma-miss ng mga ito ay patuloy pa rin ang pagba-blog ni Solenn sa kanyang sariling social media account at doon ay kinukuwento niya ang mga pinagdaraanan sa araw-araw bilang isang soon-to-be mother.
BOOBAY AT SUPER TEKLA NASORPRESA SA GUEST NA ‘KPOP’
MALOKA-loka ang mag-partner na sina Boobay at Super Tekla sa kanilang top-rating show every Sunday na “The Boobay and Tekla Show” o TBATS. Tila maging sila ay na-TBATS ng kanilang staff.
Nitong nakaraang episode nila ay may guest sina Boobay at Super Tekla na supposed-to-be ay Kpop groups, ang Saranghae na kinabibilangan ng 3 members kasama na rin ang Korean-looking interpreter nila. Effort kung effort magtanong ang dalawa sa kanilang Kpop guest. To the point na pati ang supposed-to-be interpreter ng grupo ay nakikipag-cooperate kina Super Tekla at Boobay.
Sa tinagal-tagal ng interview at kulitan, sa pagpo-promote kuno ng grupo ay biglang nag-Tagalog ang mga bagets pati na ang kanilang interpreter na tubong Pinas pala at sadyang nag-disguise lang na Kpop.
Halatang-halata na nawindang ang dalawang main host at may mga kataga pa silang na-bleep on air. Kung scripted man ang arte nina Boobay at Super Tekla, good acting ito pero mas lamang talaga na na-TBATS ang dalawa.
May episode kasi sa program na kung saan ay nagpa-frank sila sa mga televiewers kung saan ay kakutsaba nina Super Tekla at Boobay ang mga Kapuso actors para maging makatotohanan ang kanilang pagpa-prank sa viewers.
Comments are closed.