SOLENN HEUSSAFF NGANGA KAY PAOLO BALLESTEROS

wally peraltaCHALLENGE accepted sina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros. Dahil pareho silang make-up artist sa totoong buhay— si Paolo ay isang transformation make-up artist, samantalang magaling din si Solenn sa pagme-make up at paggawa ng mga prosthetics— nang magsama sa isang pelikula ay umusbong ang friendship sa dalawa. Mas naging close.

Nagkatuwaan sina Solenn at Paolo, gumawa sila ng challenge sa isa’t isa na maggayahan sila ng mukha. Si Paolo ay magiging si Solenn and vice versa.

Nang pareho nang maglabas ng larawan ang dalawa sa kanilang transformation, bow si Solenn sa galing ni Paolo na gayahin ang kanyang aura. Mas maraming netizens ang bumoto na pabor kay Paolo, at maging si Solenn man ay satisfied sa ginawa ni Paolo. Inamin din ng sexy Kapuso actress na ngayon lang niya sinubukang gumawa ng transformation at nahirapan daw siyang gawin ito. Eh, sisiw na lang naman ito Paolo. Internationally- acclaimed pa nga ang mga transformation na ginagawa ng Dabarkads host.

BIANCA UMALI ‘DI INAKALANG MAGTATAGAL ANG KANILANG SERYE

HUMBLE pa rin ang isang Bianca Umali nang malaman na muli na namang na-extend bianca umaliang kanilang “Kambal Karibal” ni Miguel Tanfelix. Sa lakas ng dating nito sa viewers ay hindi akalain ni Bianca na magtatagal ang kanilang teleserye sa ere lalo pa nga’t ang mga naging katapat na show nito ay pawang mga bigatin. Una na  ang “Luna Sangre” at ngayon naman ay ang ‘Bagani’. Noong bago pa man ipalabas ang teleserye ni Bianca, marami nang negang komento na natatanggap si Bianca na kesyo hindi tatagal sa ere ang kanilang teleserye na iilan lang ang mga bigating artista ang kasama at mas marami ang mga baguhan tulad nina Pauleen Mendoza at Kyline Alcantara.

Pero pumabor sa te­leserye ni Bianca ang mga viewer kaya nagkaroon ito ng extension. Para kay Bianca, sulit na sulit ang kanyang mga hirap sa paglabas sa isang dual role gayun din ang mga baguhan na sina Pauleen at Kyline. At ‘pag sinusuwerte pa rin ang “Kambal Karibal” malamang ma-extend pa ulit ito.

GLAIZA DE CASTRO MAS NA-PRESSURE NANG MAGING PALABAN

GLAIZA DE CASTRODAHIL naging palaban na si Glaiza de Castro sa “Contessa” with her new looks ay tila naging mas pressured pa ngayon si Glaiza sa kanyang te­leserye. Bukod kasi sa kailangang ma-maintain nila ang pataas na pataas na rin ratings na nakukuha ng “Contessa,” kailangang work to death si Glaiza para mabigyan niya ng justice ang role niyang isang vengeful woman.

Nag-train si Glaiza ng husto physically para mas lumakas ang kanyang resistensiya. Lalo pa’t maraming mga action scene siyang gagawin sa mga susunod na episode. Bukod pa yung patuloy niyang pagti-training ng martial arts at pag-aaral na bumaril. Kung kaya halos wala na rin tulog si Glaiza sa rami ng kanyang mga ginagawa kahit pa break siya sa taping ng “Contessa”.

Comments are closed.