SOLENN HEUSSAFF, NICO BOLZICO HATI SA GASTOS  SA BAHAY

WALANG pakialam si Solenn Heussaff sa pera ng asawang si Nico Bolzico. Hindi umano nila ito pinag-uusapan dahil kadalasang pera ang pinag-aawayan ng mag-asawa, at para tumagal ang kanilang pagsasama, hindi nila ito pinag-uusapan.

Laging pinag-aawayan ng mga mag-asawa ang pera kaya pinagkasunduan nina Solenn at Nico na magkanya-kanya sila ng gastos.

“Magkahiwalay ang finances namin since day one!” ani  Solenn. “Hindi ko alam kung magkano ang pera niya at hindi rin niya alam kung magkano ang pera ko.”

Ganito aniya ang kanilang arrangement na “very modern, very separate, at very individual.”

“We have a joint bank account for house dues, just for me to pay like groce­ries or stuff like that. But aside from that, I don’t know how much he earns. He doesn’t know how much I earn.”

Ani Solenn, pareho silang nagtatrabaho at wala naman siyang pakialam kung magkano ang kinikita ng kanyang asawa dahil may kinikita rin naman siya.

Pero may posibilidad naman umanong magbago ito dahil may anak na sila. Ngunit sa ngayon, ganoon muna anito ang kanilang arrangement.  – KNMartin