SOLENN HEUSSAFF PANAY ANG SAYAW NA PARANG ‘DI BUNTIS

SOLENN HEUSSAFF

PAGDATING sa kabaliwan ay wala na yatang tatalo kay Solenn Heussaff. Mantakin hotshotsmo na kahit malapit na siyang manganak ay todo giling sa pagsasayaw na akala mo ay walang dinadalang sanggol sa sinapupunan.

Kahit  delikado ang pinaggagawa ni Solenn ay marami namang netizen ang naaliw sa ipinost niya na hindi mo aakalain na gagawin ng isang buntis.

Makikita sa post niyang video na nakasuot lang siya ng top bra at pajama habang nakalabas ang malaking tiyan.

Sa umpisa ng video ay makikitang  umiindak  lang si Solenn. Hanggang unti-unting bumibilis  ang kanyang  pag-indak  na kaunting pagkaka-mali ng malikot niyang paggalaw ay baka biglang sumakit ang kanyang tiyan at mapaanak nang kulang sa buwan.

Gumigiling ito at nag-headthrow pa sa pagsasayaw. Hindi pa roon nakuntento dahil umupo pa ito sa gilid  ng  sopa at saka pinaikot nang pinaikot ang kanyang ulo.

Pagkatapos ay lumipat pa siya sa ibabaw ng kama  para doon magtutuwad.

Sa mga nakapanood ng video na naipalabas pa sa 24 Oras, ay marami ang hindi makapaniwala na magagawa  ‘yun ng isang buntis.

Sa isip naman ng iba ay baka raw ayaw pa magkaroon ng anak ni Solenn  dahil sa pinaggagawa  niya kahit malapit na siyang manganak.

Samantala,  mayroon din namang sumuporta sa ginawa ni Solenn, lalo na sa mga nanay na makabubuti raw ito para hindi mahirapan sa panganganak ang actress.

Maaaring may nagsabi o payo  kay Solenn na mas mabuti sa isang buntis ang nag-e-exercise, lalo na kapag malapit nang manganak.

Sa caption kasi ni Solenn ay apat na  linggo na lang ang nakatakda sa kanyang panganganak.

KRIS AQUINO KEBER KUNG SIYA AY IRRELEVANT NA

WALANG problema ngayon kay Kris Aquino kung siya ay “irrelevant” na tulad ng comment  ng isang netizen sa kanyang Instagram page. Sabi ay hindi na raw worth ng kanyang health kung mananatili pa siyang magpaka-relevant.

“I  hope u can still be able to gain ur former  status. Madam as the country`s  premiere  endorser. It seems  like u r  slowly fading  into the shadow of  irrelevance… huhu .. labyu madam  though. Don’t  get  me wrong, magpasabog ka uli madam,” comment ng netizen.

Ang sagot naman ni Kris.

“I`m pretty chill about becoming “irrelevant” because  the price  to pay fighting  to stay relevant  wasn’t   worth  my health or my peace of mind..

“So   many  have  told me, “you have enough (in the material sense) and my sons  are  in no danger of going  hungry – so I was  working hard because I was protecting something that now seems much less important –– my  ego..

“ I  worked  too many days  when I should`ve actually been listening to my body all  because  of the mistaken notion that protecting work commitment  meant  more than prioritizing my wellness.

“Sorry,  walang “pasabog” coming soon – I have  outgrown  that  it took  so much prayer for me to be at peace with who I am & where I am –– I  realize you  wanted  to upset me  BUT graduate na ko sa ganitong  klaseng  pailalim  na ‘bullying.’

“I  hope before  you “worry”  about my professional  standing, you`ll  ask  yourself  why there seems  to be little  of interest  in your life  that  you`re   making mine  your  problem?”

Marami ang natuwa at pinuri  ng followers ang naging sagot ni Kris at pati na ang subtle na pagtataray  niya sa basher.

Comments are closed.