Mga laro sa Miyerkoles:
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – AdU vs Ateneo (Men)
10 a.m. – UP vs NU (Men)
2 p.m. – AdU vs Ateneo (Women)
4 p.m. – UP vs NU (Women)
GINAPI ng Ateneo ang University of the Philippines, 25-21, 25-15, 28-26, upang kunin ang solong liderato sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.
Kumana si Maddie Madayag ng 14 points, kabilang ang anim na blocks, subalit si setter Deanna Wong ang nagbigay ng match-clinching hit para sa Lady Eagles na hindi inasahan ng Lady Maroons.
Sa panalo ay umangat ang Ateneo sa 4-1 kartada, habang bumagsak ang UP sa 3-2.
Nauna rito ay umusad ang Far Eastern University sa three-way tie, kasama ang University of Santo Tomas at defending champion De La Salle, sa ikalawang puwesto na may 4-2 record makaraang malusutan ang Adamson University, 25-18, 17-25, 25-14, 22-25, 15-8.
Sa kabila ng kanyang offensive struggles, nanguna pa rin si Tots Carlos sa scoring para sa Lady Maroons na may 10 points, habang nag-ambag si Aie Ganna-ban ng pitong hits.
Nagdagdag si Kat Tolentino ng 12 points at 14 digs habang gumawa si Ponggay Gaston ng 10 hits at 10 receptions para sa Lady Eagles, na ang tanging pagkata-lo ay sa kamay ng Lady Spikers noong opening weekend.
Nagtala si Heather Guino-o ng personal season-high 20 points, kabilang ang apat na blocks at tatlong service aces, 13 digs at 10 receptions, bumanat si rookie Ly-cha Ebon ng 15 attacks para sa 17 points, habang humataw si Ced Domingo ng apat na blocks para sa 14 point-showing para sa Lady Tamaraws.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng FEU, na nangailangan ng 6-1 run upang lumapit sa match point, 14-7. Naisalba ni rookie Trisha Genesis ang isang match point bago sinelyuhan ni Domingo ang panalo ng Lady Tamaraws sa pamamagitan ng block.
Sa men’s division, nagtuwang sina Jude Garcia at Richard Solis para sa 24 hits nang lumapit ang FEU sa first round sweep sa pamamagitan ng 25-14, 25-23, 25-23 pagbasura sa Adamson University, habang gumawa si Gian Glorioso ng 20 points nang malusutan ng Ateneo ang second set meltdown upang igupo ang UP, 25-18, 23-25, 25-22, 25-13. Ang Blue Eagles at ang Falcons ay tabla ngayon sa 3-2 sa third spot.
Comments are closed.