SOLO LEAD PUNTIRYA NG BATANG PIER

Batang pier

Standings:

W       L

NorthPort           7       1

TNT Katropa       7       1

Magnolia             3       2

Blackwater          4       3

Brgy. Ginebra    4       3

Alaska   4       4

Rain or Shine   3       3

Meralco               3       4

SMB                       2       3

Phoenix               2       4

Columbian          1       6

NLEX      1       7

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Phoenix vs NorthPort

7 p.m. – San Miguel vs Magnolia

MAKARAANG sumikwat ng tatlong sunod na panalo na naghatid sa kanila sa quarterfinals, target ng NorthPort na palakasin ang kanilang kampanya sa twice-to-beat advantage at muling kunin ang solo lead sa pagsagupa sa Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Batang Pier ang Fuel Masters sa alas-4:30 ng hapon, na susundan ng duelo ng reigning Governors’ Cup champion Magnolia at sister team at current Philippine Cup ruler San Miguel Beer.

Mataas ang morale matapos na ta­lunin ang Beermen, Hotshots at Rain or Shine Elasto Painters, determinado ang Batang Pier na idagdag ang Fuel Masters sa kanilang mga biktima.

Hindi magiging madali para sa Batang Pier na talunin ang Phoenix at kailangang maglaro nang husto ang tropa ni coach Pido Jarencio na pina­lakas nina dating Barangay Ginebra players  Kevin Ferrer, Jervy Cruz at Sol Mercado, kasama sina Sean Anthony, Robert Bolick, Paolo Taha, Garbo ­Lanete at Jonathan Grey.

Kinuha ng NorthPort sina Ferrer, Cruz at Solomon kapalit ni Stanley Pringle sa 4-player trade.

Hindi lang ang mga lokal ang kailangang humataw sa opensa, kundi pati si import Prince Ibeh laban sa bagong reinforcement ng Phoenix na si Richard Howell.

Pinalitan ni Howell si Rob Do­zier na isang beses lamang naglaro at umaasa si coach Louie Alas na magiging epektibo ang bagong import para umangat ang Fuel Masters na kasalukuyang may 2-4 kartada.

Sa kabila ng 3-2 marka ay dehado ang Magnolia dahil lamang ang SMB man-for-man, at si Charles Rhodes ay isang versatile at prolific player kum­para kay James Farr na pumalit kay John Fields.

Isa pang bentahe ng Beermen sina June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger na walang katapat sa shaded area.

Hindi lamang sa import at low post nakalalamang ang SMB kundi pati sa frontline na pinangungunahan nina Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Chris Ross at Terrence Romeo, katuwang ang second unit na sina Von Passumal, Matthew Ganuelas-Rossier, Paul Zamar at Ronald Tubid. CLYDE MARIANO