SOLO LEADER ANG PAINTERS

 

NALUSUTAN ng Rain or Shine ang GlobalPort, 96-90, sa mainit na bakbakan sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Ara-neta Co­liseum.

Si crowd darling Chris Tiu ang unang naging biktima ng pisikal na laro nang masiko siya sa mukha ni Malcolm White sa fourth quarter.

Napatalsik sa laro sina GlobalPort big man Kelly Nabong at Rain or Shine guard Maverick Ahanmisi sa 3:40 mark nang magpanunggaban, gayundin si Ryan Araña makaraang makisali.

Sa panalo ay inangkin ng Elasto Painters ang solong liderato na may 5-1 kartada habang bumagsak ang Batang Pier sa 3-3.

Abante ang Rain or Shine sa 84-79 bago ang kaguluhan, at na­isalpak ni Tiu ang isang three-pointer na nagbigay sa Elasto Painters ng 92-83 kala-mangan.

“It was another hard-earned victory for us, and at least the players’ focus were still there after the scuffle,” wika ni Rain or Shine head coach Caloy Garcia.

“Another nice thing about it was Chris was able to deliver when he came in.”

Hindi pumanig sa Batang Pier ang oras makaraang matapyas ang kalamangan sa 4 points, 94-90, may 22 segundo ang nalalabi.

Nagbuhos si Reggie Johnson ng 19 points, 16 rebounds, at 7 assists upang pangunahan ang Rain or Shine habang nag-ambag si James Yap ng 14 points.

Nanguna si White para sa GlobalPort na may w21 points at 8 rebounds habang kumana si Sean Anthony ng 14-point, 14-rebound double-double.

 

Iskor:

RAIN OR SHINE (96) – Johnson 18, Yap 14, Ahanmisi 13, Almazan 12, Tiu 10, Ponferada 9, Daquioag 7, Belga 6, Norwood 5, Torres 2, Nam-batac 0.

GLOBALPORT (90) – White 21, Pringle 15, Anthony 14, Nabong 13, Tautuaa 8, Elorde 8, Grey 4, Javelona 3, Sargent 2, Guinto 2, Araña 0, Teng 0.

QS: 26-30, 45-45, 67-62, 96-90.

Comments are closed.