SIYAM na buwan na lamang at muli na namang boboto ang mga Pilipino, nagpahayag ng pagkabahala si Rizal Second District Rep. Emigdio “Dino” Tanjuatco III dahil sa aniya ay kuwestiyonableng P18-billion contract para sa halalan sa susunod na taon na maaring humantong sa tinatawag na “failure of elections” o pagkaunsyami nito.
Lubhang nababahala si Tanjuatco, kabilang sa House of Representatives’ Committee on Suffrage and Electoral Reforms, sa aniya ay “mapanganib na ingay” na nakakalihis ng atensyon ng taumbayan mula sa tunay na mga isyu na bumabalot sa automated election system (AES) deal — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas — sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec) at ng kontrobersyal na South Korean firm Miru Systems Co. Ltd. pati na sa lokal na joint-venture partners nito.
Para kay Tanjuatco, napakahalaga na sagutin ng Comelec ang mga isyu ng nakakadudang kontrata na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang katugunan.
“Eyes on the ball, Filipinos. The Comelec still has to answer many issues on prototype machines and noncompliant systems. Let us not be distracted by all this noise,” ani Tanjuatco.
“If the machines fail spectacularly on Election Day in 2025 and the whole country is plunged into chaos, then we only have ourselves to blame for being sidetracked by this circus,” dagdag pa ng mambabatas.
Tinukoy ni Tanjuatco ang Section 10 ng Republic Act (RA) No. 9369 kung saan ang AES na nabili ng Comelec “must have demonstrated capability and been successfully used in a prior electoral exercise here or abroad.”
“It’s a big red flag that the Automated Election Law has been violated. It does not help that Miru had been unsuccessful in using the DRE and OMR on separate occasions,” wika ni Tanjuatco.
JUNEX DORONIO