SONA NI DUTERTE PINAGHAHANDAAN NA

DUTERTE-33

‘TULOY ang pagbabago.’

Ito ang magiging tema sa darating na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO)  Undersecretary Lorraine Badoy, pinaghahandaan na nila ang darating na SONA kung saan ibibida nila ang mga nagawang proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Kabilang na rito ang paliparan sa Clark Air Base na isa sa mga malaking naisakatuparan ng Pangulo.

Dagdag pa ni Badoy, magkakaroon din ng mga video presentation sa SONA ng Pangulo kung saan ipakikita ang mga tunay na nangyayari sa administrasyon.      DWIZ882

Comments are closed.