MULING binangko si Kai Sotto nang yumuko ang Orlando Magic sa Indiana Pacers, 108-85, sa 2023 NBA Summer League Martes ng umaga (Manila time) sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.
Ang 7-foot-3 Filipino center ay nasa lineup ngunit nakalista bilang DNP (Did Not Play-Coach’s Decision) sa ikalawang sunod na laro. Hindi rin siya ipinasok sa opener ng Orlando kontra Detroit Pistons.
Nanguna si guard Andrew Nembhard para sa Pacers na may 21 points, 7 assists, 3 rebounds, at 3 steals habang nagtala si Isaiah Jackson ng double-double outing na 13 markers at 11 boards.
Si Sotto ay isa sa 22 players na nasa Summer League roster ng Magic.
Babalik sa aksiyon ang Orlando Magic sa Huwebes, July 13, laban sa New York Knicks.