RUNAWAY winner si Ateneo de Manila High School teenage standout Kai Sotto para sa Most Valuable Player award sa UAAP Season 81 juniors basketball tournament.
Tumapos si Sotto na may kabuuang 97.00 statistical points (SPs) sa pagwawakas ng elimination round, malayong-malayo sa kanyang pinakamahigpit na katunggali na si University of Santo Tomas (UST) guard Mark Nonoy (81.93 SPs).
Ang 7-footer ay may average na 25.1 points, 13.9 rebounds, at 2.6 blocks kada laro para sa defending champion Blue Eaglets, na tinapos ang elimination round na may 11-3 kartada at second seed sa Final 4.
Si Sotto ay nagmamay-ari ng tatlo sa pinakamataas na scoring games sa UAAP ngayong taon, na may outputs na 36, 33, at 31 points. May mga laro rin na humablot siya ng 22 at 20 rebounds.
Samantala, si Nonoy, pinangunahan ang UST sa 7-7 record, ay may norm na 21.8 points, 8.9 rebounds, 6.0 assists, at 2.6 steals kada laro.
Pasok din sa top 5 sina Ateneo’s Forthsky Padrigao (64.62 SPs), Far Eastern University’s (FEU) RJ Abarrientos (61.64 SPs), at Adamson University’s JM Sabandal (60.93 SPs).
Comments are closed.