(Special election sa 7th District ng Cavite) GUN BAN, CHECKPOINT IPINATUPAD

CAVITE-ISASAILALIM sa gun ban at magtatayo ng ilang PNP checkpoint sa 7th District ng Cavite na nagsimula na kahapon hanggang Marso 12 kaugnay sa isasagawang special election sa posisyong Representative sa Kamara.

Kabilang sa mga bayan at lungsod na ssakop ng 7th Districtc y ang bayan ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City kung saan isasagawa ang special election sa magiging kapalit ni Rep. Jesus Crispin Remulla na itinalagang Justice Secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa gun ban ay magsasagawa ng kick-off ceremony ang pamunuan ng Cavite Police Provincial Office sa harapan ng Comelec Provincial Office sa nasabing lungsod bago mag-iikot ang mga opisyal ng pulisya at Comelec sa mga lugar na ilalatag ang mga PNP checkpoint.

Samantala, apat na kandidatong sina Board member Crispin Diego Diaz Remulla ng Nationa Unity Party; Jose Angelito Domingo Aguinaldo, ex-mayor ng Trece Martires City Melecio Loyola De Sagun at si Michael Angelo Bautista Santos, maglalaban sa posisyong binakante ni DOJ Sec. Remulla.

Nabatid na ang campaign at election period ay nagsimula kahapon, Enero 26 hanggang Pebrero 23 na sinasabing may posibilidad na may maganap na karahasan sa mga nasabing lugar. MHAR BASCO