UMISKOR si James Harden ng 30 points, nagbigay ng 15 assists at kumalawit ng 14 rebounds nang maitakas ng Brooklyn Nets ang 124-113 overtime win kontra San Antonio Spurs noong Lunes sa Alamo City.
Abante ang Nets sa 108-98, may 2:12 ang nalalabi sa regulation bago kumamada ang San Antonio ng 10 sunod na puntos, ang huling dalawa sa off-balance, scrambling jumper ni Dejounte Murray sa loob ng arc sa buzzer na naghatid sa laro sa overtime.
Naitala ng Brooklyn ang unang walong puntos ng extra period at hindi na lumingon pa tungo sa kanilang ika-9 na panalo sa huling 10 laro. Ang Nets ay nanalo sa San Antonio sa unang pagkakataon magmula noong Jan. 22, 2002, na umabot sa 17 laro..
Nagdagdag si Kyrie Irving ng 27 points para sa Nets habang nakakolekta si Bruce Brown ng 23 at nagbuhos si Nicolas Claxton ng season-best 17 points mula sa bench. Nagbigay si DeAndre Jordan ng 13 rebounds para sa Brooklyn
Ang triple-double ni Harden ay ika-7 niya sa season.
BLAZERS 123,
HORNETS 111
Nagposte si Carmelo Anthony ng season highs na 29 points, anim na 3-pointers at limang steals at pinutol ng Portland Trail Blazers ang season-worst, four-game losing streak sa pamamagitan ng 123-111 panalo kontra bisitang Charlotte Hornets.
Nagsalpak din si Damian Lillard ng anim na 3-pointers at nagtala ng 23 points at 10 assists para sa Trail Blazers, na nagposte ng franchise record na 24 3-pointers sa 46 attempts.
Umiskor si Robert Covington ng season-best 21 points, napantayan ang kanyang season high na limang 3-pointers at humugot ng 10 rebounds.
Nagdagdag sina Gary Trent Jr. ng 17 points, Enes Kanter ng 11 points at 11 rebounds at Nassir Little ng 11 points para sa Portland, na tinalo ang Hornets sa ika-7 sunod na pagkakataon.
PELICANS 129,
JAZZ 124
Tumipa sina Zion Williamson at Brandon Ingram ng tig- 26 points upang pangunahan ang host New Orleans Pelicans sa 129-124 panalo kontra Utah Jazz.
Nag-ambag sina Lonzo Ball ng 23 points, JJ Redick ng 17, Josh Hart ng 13 at Eric Bledsoe ng 11 para sa Pelicans na pinalamig ang kopo-nan na may best record sa liga.
Ang New Orleans ay may 53-39 rebounding advantage, sa pangunguna ng 11 boards ni Steven Adams.
Nagbuhos si Bojan Bogdanovic ng 31, at nagdagdag sina Rudy Gobert ng 22, Donovan Mitchell ng 21, Jordan Clarkson ng 20 at Mike Conley ng 10 para pangunahan ang Jazz.
Sa iba pang laro, pinaamo ng Denver Nuggets ang Chicago Bulls, 118-112; pinulbos ng Philadelphia 76ers ang Indiana Pacers, 130-114; ginapi ng Dallas Mavericks ang Orlando Magic, 130-124; at pinabagsak ng Cleve-land Cavaliers ang Houston Rockets, 101-90.
I’m curious to find out what blog platform you have been working with?
I’m having some small security issues with my latest blog and I would like
to find something more secure. Do you have
any suggestions?
946945 355736This internet web site might be a walk-through its the data you wanted in regards to this and didnt know who must. Glimpse here, and youll absolutely discover it. 694310