NAKATAKDANG magsagawa ng pagpupulong ngayong araw ang House Committee on People’s Participation upang alamin ang estado ng isinasagawang clinical test o study sa bansa ng Russian anti-COVID-19 vaccine ‘Sputnik 5’.
Ayon kay San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes, chairperson ng nasabing komite, ang gagawin nilang ‘virtual meeting’ ay ‘follow through’ sa nauna nilang pagtalakay sa Russian Embassy officials kaugnay ng naturang bakuna.
“Since the Philippines is one of the countries that is currently studying the vaccine, we want to be given updates on its trials to give our people information and to help to facilitate cooperation between the two countries to ensure its availability in the country if the tests go well at the earliest possible time,” dagdag pa ng House panel chairperson.
Sinabi ni Robes na bukod sa Russian embassy officials, nakatakda ring dumalo sa pagdinig ang mga opisyal ng Depart-ment of Health (DOH) at Department of Science and Technology (DOST) upang kunin din ang kanilang ulat sa kalagayan ng Phase 3 ng clinial trial ng anti-COVID-19 vaccine ng Russia.
Nauna rito, isinusulong ng San Jose del Monte City lady lawmaker ang pag-apruba sa Remdesivir bilang isa sa maaaring gamiting gamot para sa COVID-19 patients, bagaman ito ay nasa ‘investigational phase’ pa lamang.
Matarandaan na sa unang pagpupulong ng komite kung saan dumalo sina, Russian Embassy officials Tatiana Shlychko-va, Minister-Counsellor at Deputy Head of Mission and Vladisav Mongush, Commercial Advisor, naiulat na mayroong nang ‘Non-Disclosure Agreement’ na nilagdaan sa pagitan ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology, manufacturer ng Sputnik V, at ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST na nagbibigay pahintulot para isagawa ang third phase ng clinical trials dito sa Filipinas ng nabanggit na bakuna.
Paggigiit pa ni Tatiana Shlychkova, Minister-Counsellor at Deputy Head of Mission ng Russian Embassy, ang Sputnik V ay napatunayang ligtas at mabisa, partikular sa pagbibigay ng immunity mula sa COVID-19 at napatunayang higit na epek-tibo laban sa Middle East respiratory syndrome, o MERS, coronavirus.
Samantala, binigyan-diin ni Robes na nais tiyakin ng kanyang komite ang kaligtasan at pagiging epektibo ng Sputnik V lalo na para sa sambayanang Filipino bilang bahagi ng layuning matuldukan na ang masamang epekto ng COVID-19 at maaipagpatuloy ang pagbangon at pagsulong ng kabuhayang ng lahat, lalo na ang ekonomiya ng bansa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.