Mga laro bukas:
(EAC Gym)
7:30 a.m. – EAC vs Mapua
9:30 a.m. – LSGH vs JRU
11:30 a.m. – San Beda vs Arellano
2:30 p.m. – SSC-R vs Perpetual
4:30 p.m. – Letran vs LPU
NAIBALIK ng Letran at Mapua ang kanilang winning ways, habang ratsada ang CSB-La Salle Green Hills sa ika-4 na sunod na panalo matapos ang 0-2 simula sa NCAA juniors basketball tournament kahapon sa EAC Gym.
Nagbuhos si Andy Gemao ng 21 points, 7 rebounds at 2 assists upang pangunahan ang Squires sa 94-76 panalo kontra Jose Rizal University.
Umiskor si Nygel Gonzales ng 16 points, kabilang ang go-ahead triple sa huling 41.8 segundo, at humabol ang Red Robins mula sa 17-point upang maungusan ang Arellano University, 70-68.
Tumapos si Luis Pablo na may 20points, 7 rebounds at 3 assists upang pangunahan ang Greenies sa pagposte ng wire-to-wire 99-80 win kontra Emilio Aguinaldo College.
Umangat ang Letran at Mapua sa 5-1, habang nakabuntot ang LSGH sa 4-2 katabla ang San Sebastian, 92-87 winner kontra Lyceum of the Philippines University.
Tumipa si Jonathan Manalili ng 19 points at 8 assists, nagposte si George Diamante ng double-double na 11 points at 14 boards habang gumawa rin si Emman Anabo ng 11 points para sa Squires.
Nakalikom si Paul Enal ng 19 points at 11 rebounds para sa Light Bombers, na nalasap ang ika-4 na kabiguan sa anim na laro.
Kumamada si SJ Moore ng 26 points at 5 assists para sa Arellano, na nabigong masundan ang stunning win kontra Letran at nahulog sa 1-5.
Nagtala sina Ernest Geronimo at Mark de Leon ng tig-20 points para sa Staglets, na nagpasabog ng 36 points sa payoff period.
Nalasap ng Junior Pirates, nakakuha ng 25 points at 16 rebounds kay Matthew Rubico, ang ikatlong pagkatalo sa anim na laro.