Mga laro sa Lunes:
(San Andres Sports Complex)
7:30 a.m. – LPU vs Arellano
9:30 a.m. – LSGH vs SSC-R
11:30 a.m. – Letran vs Mapua
2:30 p.m. – San Beda vs EAC
4:30 p.m. – Perpetual vs JRU
NANALASA sina Emman Anabo at Jonathan Manalili sa fourth period at pinutol ng Letran ang five-game winning streak ng CSB-La Salle Green Hills sa 79-73 panalo upang kunin ang unang Final Four berth sa NCAA juniors basketball tournament kahapon sa EAC Gym.
Makaraang umiskor ng isang puntos sa unang tatlong quarter, nagbuhos si Anabo ng 11 sa payoff period, habang naitala ni Manalili ang siyam sa kanyang 15 points sa huling 10 minuto ng laro para sa Squires.
May 7-1 record, kinuha ng Letran ang solo lead makaraang maungusan ng San Sebastian ang Mapua, 60-58.
Tumipa si Louie Datario ng 19 points habang nag-ambag si Stephen Jardinico ng 16 points at 6 rebounds para sa Staglets na nakatabla ang Red Robins sa second place sa 6-2.
Nanguna si Andrei Gemao para sa Squires na may 17 points, 6 rebounds at 2 assists habang si June Silorio ang isa pang player sa twin digits na may 13 points.
Nahulog ang Greenies, na pinangunahan ni Rod Alian na may 15 points, sa 5-3 marka.
Nalusutan ng University of Perpetual Help System Dalta ang 43-point, 13-rebound showing ni Matthew Rubico sa 100-97 panalo laban sa Lyceum of the Philippines University upang mapanatiling buhay ang kanilang Final Four hopes na may 4-4 record.