SRP SA KARNE NG BABOY, P260/KILO SA KASIM, P280/KILO SA LIEMPO

Karne ng baboy

NAGTAKDA na ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) para sa karneng baboy sa Metro Manila.

Sa ilalim ng administrative circular number 14, sakop ng SRP ang lahat ng wet markets at supermarkets sa Metro Manila, kung saan itinakda sa P260 kada kilo ang SRP ng kasim o pigue, at P280 naman para sa kada kilo ng liempo.

Mas mataas ito sa dating P230/kilo na presyo ng kasim at sa P250/kilo na presyo ng liempo.

Batay sa ipinalabas na abiso ng DA, ito ay bunsod ng African Swine Fever (ASF) na lubhang nakaapekto sa pagtaas ng presyo ng karneng baboy sa Metro Manila.

Samantala, tiniyak ng DA na may sapat na suplay ng karneng baboy sa bansa bagaman daang libong baboy na ang kinatay dahil sa ASF.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista, ang shipments ng live hogs at pork products mula sa Visayas at Mindanao ay daragdagan upang matugunan ang papaubos na suplay ng baboy sa Luzon sanhi ng depopulation ng hog farms na apektado ng ASF.

“Agriculture officials and representatives of the country’s hog industry have agreed to heighten shipments of hogs and pork products from Visayas and Mindanao to Luzon,” ayon sa ahensiya.

Ang  shipments ay umaabot na ngayon sa 100,000 hogs.

Ang weekly shipments ay tataasan, mula 27,000 sa 30,000 heads ng hogs, mula sa main ports sa Davao, General Santos at  Cagayan de Oro. Ang ibang shipments ay magmumula sa Cebu, Iloilo at Leyte.

Comments are closed.