STAGGERED WORKING HOURS ISINUSULONG SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC

DTI2

HIHIMUKIN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga kompanya na magpatupad ng staggered working hours upang mapaluwag ang mga pampublikong sasakyan at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa 95 percent ng business sectors ang pinayagan nang muling magbukas.

Aniya, mag-iisyu ang ahensiya ng memorandum circular para hikayatin ang mga kompanya na magpatupad ng ‘staggered shifts’.

“Ibig sabihin, iyong iba-ibang oras ng office hours para ma-spread natin iyong dami ng mga bumibiyahe at nangangailangan ng transportation papunta sa mga opisina o places of work,” pahayag ni Lopez sa Laging Handa public briefing.

Ang Philippine economy ay isa sa fastest-growing sa Asia bago ang pandemya na nagresulta sa  recession at pagkawala ng trabaho ng milyon-milyong Filipino.

Sa pagtaya ng World Bank, ang ekonomiya ng Filipinas ay babagsak ng 6.9 percent ngayonh taon, ang pinakamalaking pagbaba magmula noong 1980s at mas malala sa projected 5.5 percent fall ng gobyerno.

Comments are closed.