STATE OF CALAMITY SA 9 NA BAYAN SA MAGUINDANAO

maguindanao-1

SIYAM na bayan sa Ma­guindanao na grabeng sina­lanta ng tagtuyot ang nakatanggap ng tulong kasunod ng pagdedeklara ng state of cala­mity sa nasabing mga lugar.

Nabatid sa lokal na pamahalaan ng Maguindanao na posibleng madagdagan pa ang mga bayan na isasailalim sa state of calamity bunsod ng patuloy na pagtindi ng El Niño.

Pinag-aaralan na rin ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na magdeklara ng state of calamity sa buong probinsiya.

Sa bayan ng Datu Montawal ay nanguna sina Mayor Datu Vicman Montawal at Vice Mayor Datu Otho Montawal sa pamamahagi ng tulong sa mga barangay na tinamaan ng sobrang init ng panahon o tagtuyot.

Nauna rito, nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Datu Montawal para agad magamit ang calamity fund na paunang tulong sa mga magsasaka na labis na sinalanta ng tagtuyot ang mga pananim na mais, palay at gulay.

Nagsisikap naman si Gov. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na makapagbigay pa ng karagdagang tulong sa mga bayan sa Maguindanao na grabeng tinamaan ng El Niño.     BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.