STEPHEN CURRY BIBISITA SA PINAS SA SETYEMBRE

STEPHEN CURRY

DARATING si two-time NBA Most Valuable Player Stephen Curry ng Golden State Warriors sa bansa sa Setyembre.

Inanunsiyo ng Under Armour sa Twitter na ang three-time NBA champion ay bibisita sa Manila sa ikalawang pagkakataon bilang bahagi ng kanyang Asian tour.

“On September 5, Under Armour Basketball will bring (Curry), his mindset, and his will to win to the Philippines, China, and Japan. Manila, Wuhan, and Tokyo – get ready!” ayon and tweet ng Under Armour.

Si Curry ay unang bumisita sa bansa noong Setyembre 2015 makaraang makopo ang kanyang unang NBA championship sa Warriors.

Comments are closed.