CRAME – PINAG-IISAPAN ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng stickers sa mga motorsiklo sa buong bansa bilang pangontra sa riding in tandem criminals.
Sinabi ni PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde, oras na makapasa sa inspeksiyon ang isang motor, didikitan ito ng sticker na hindi natatanggal at nakokopya.
Ilalagay aniya ang sticker sa bahagi ng motor na madaling makita at bawat probinsiya o siyudad, ay magkakaroon ng kanya-kanyang stickers.
Paliwanag ni Albayalde, oras na may mangyaring pamamaril, agad palalakasin ang checkpoints at sisitahin ang mga motor na walang stickers.
Pero sa ngayon hindi pa matiyak ng PNP kung kailan eksaktong maipatutupad ang sticker system sa mga motor, ngunit binabalangkas na nila ang guidelines para sa kanilang plano. SARMIENTO
Comments are closed.