STL OPS SA ILANG LUGAR, BALIK NA

Royina M. Garma

INIANUNSIYO ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbabalik na muli  ng operasyon ng mga Small Town Lottery (STL) sa ilang lugar sa bansa.

Sa STL announcement na inisyu ni PCSO General Manager Royina Garma, nabatid na kabilang sa magbubukas na ng operasyon ang Lucky Pick Amusement & Development Inc. sa Ilocos Norte gayundin ang King’s 810 Gaming Corporation sa Nueva Vizcaya.

“The public is hereby informed that effective September 16, 2020, the Small Town Lottery (STL) operations will resume in the following areas only:  “1. Province of Ilocos Norte: Lucky Pick Amusement & Development, Inc.; 2. Nueva Vizcaya: King’s 810 Gaming Corporation,” anunsiyo ni Garma.

Kaugnay nito, nagpaalala si Garma hinggil sa pagtalima sa istriktong health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF), mga concerned local government units (LGUs) at maging ng PCSO, upang maiwasan ang posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya pa, sakaling muling isailalim ang mga naturang lugar sa enhanced community quarantine (ECQ) o modified enhanced community quarantine (MECQ), ay awtomatiko ring masususpindeng muli ang operasyon ng STL doon.

Samantala, idinagdag pa ni Garma na mananatili pa ring suspendido ang operasyon ng lahat ng STL areas na hindi nabanggit sa kanilang anunsiyo.

Nagpasalamat rin  ang PCSO sa publiko dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtangkilik sa kanilang mga gaming products, gaya ng STL, Lotto at Digit games, Keno at Instant Sweepstakes Scratch It Tickets. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.