STRANDED NA LABORERS UMAPELA SA DOLE

DOLE

ISANG grupo ng mga na stranded na construction workers na naka base sa Katipunan, Quezon City ang tuwirang humingi ng tulong sa Department of Labor (DOLE) at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Batay sa video na ipinadala ng mga stranded na construction workers, mula ng ipatupad ang enhance community quarantine (ECQ) wala pa silang natatanggap kahit anumang tulong sa anumang agency ng gobyerno, isang buwan na ngayon.

Ayon sa grupo lahat sila ay taga- Mindanao at nagtratrabaho bilang construction workers dito sa Maynila, at walang mga kamag anak na pwedeng hingan ng tulong, kayat nanawagan sila sa DOLE at iba pang sektor.

Pakiusap nila kay DOLE Secretary Silvestre Bello, ibigay sa kanila ng diretso ang P5,000 tulong upang maipadala agad sa kanilang mga pamilya sa Mindanao ang pera dahil wala na ring makain.

Nabatid na kailangan din ng mga stranded na workers ang bigas, tsinelas, toothpaste, sabon at iba pang personal hygienes.

Nanawagan din personal ang mga stranded workers kay Quezon City, Mayor Joy Belmonte, mga pari sa Ateneo, construction management at  iba pang grupo na nagbibigay ng tulong at mapuntahan sila upang makita ang kanilang kalunos lunos na kalagayan. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.