BACOOR CITY – Sa kabila ng pagkawala ni reigning MVP Gab Banal, nagpasiklab pa rin ang second-ranked Bacoor sa harap ng kanilang home fans at pinataob ang third seed Basilan-Jumbo Plastic, 80-69, upang ipuwersa ang Game 3 sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan South semifinals noong Huwebes ng gabi sa Strike Gymnasium dito.
Nanguna si Ian Melencio para sa Strikers na may 17 points at 4 steals. Hindi naglaro si Banal dahil sa sprained left MCL.
Nakontrol ng Bacoor ang unang tatlong quarters, kung saan pinalobo nito ang kalamangan sa 27, 37-10.
Subalit bumanat ang Steel ng 25-10 blast sa payoff period upang tapyasin ang 22-point hole sa pitong puntos lamang, 76-69, may 1:21 ang nalalabi.
Subalit ito na lamang ang pinakamaganda nilang nagawa.
“Their press kind of rattled us but I think ‘yung preparation namin worked for the first three quarters,” wika ni Bacoor coach Chris Gavina.
Nagtala si Michael Mabulac ng double-double na 14 points at 19 rebounds, habang nag-ambag si Mark Montuano ng 15 markers at 7 boards.
Nagdagdag si Mark Pangilinan ng 10 points, kabilang ang dalawang tres.
Nagbuhos si Jonathan Uyloan ng season-high 15 points, pawang mula sa 3-point area, habang nakakolekta si Allyn Bulanadi ng 16 markers.
Ang do-or-die Game 3 ay nakatakda ngayong araw sa parehong Cavite venue.
Sa unang laro ay naitakas ng South Kings Davao Occidental-Cocolife ang 62-58 panalo kontra fifth-seeded Zamboanga-Family’s Brand Sardines upang umabante sa South Division Finals.
Iskor:
Unang laro:
Davao Occidental-Cocolife (62) – Mocon 14, Saldua 8, Forrester 8, Calo 6, Custodio 5, Balagtas 5, Robles 5, Gaco 5, Yee 4, Terso 2, Albo 0
Zamboanga-Family’s Brand Sardines (58) – Roño 15, Asistio 14, Santillan 12, Pasaol 9, Arboleda 5, Villamor 3, Morido 0, Thiele 0, Bonsubre 0, Manzo 0, Reyes 0, De Vera 0
QS: 11-14, 25-26, 44-41, 62-58
Ikalawang laro:
Bacoor City (80) – Melencio 17, Montuano 15, Mabulac 14, Pangilinan 10, Ramirez 8, Destacamento 6, Cañete 5, Sumalinog 3, Demusis 2, Acuña 0, Andaya 0.
Basilan-Jumbo Plastic (69) – Bulanadi 16, Uyloan 15, Dumapig 11, Palencia 7, Manalang 5, Collado 4, Bautista 4, Bringas 4, Gabo 2, Daa 1, Sorela 0, Dagangon 0, Hallare 0.
QS: 20-6, 43-21, 66-44, 80-69.
Comments are closed.