STUDE TIMBOG SA KASONG MURDER

arestado

CEBU – REHAS na bakal ang binagsakan ng 18-anyos na high school student na may kasong murder makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Manila police sa bayan ng Liloan, Cebu noong Martes ng gabi.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, dinakip ang akusadong si Ivhan Abel Candelario ng Brgy Lataban, bayan ng Liloan Cebu.

Ayon sa police report, nakatanggap ng impormasyon ang warrant section ng Manila Police District kaugnay sa pinagtataguan ni Candelario.

Agad na tumulak patungong Cebu ang MPD Station 2  na nakipag-ugnayan muna sa Liloan Police Station bago nagtungo sa pinagkukutaan ng akusado kung saan ito nasakote.

Walang  inirekomendang piyansa ang hukuman laban sa akusado na isinasangkot sa kasong murder. PAUL ROLDAN

Comments are closed.