WALA nang babayarang terminal fee ang mga estudyante sa lahat ng paliparan sa bansa.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), simula kahapon, Agosto 1 ay exempted ang mga estudyante sa pagbabayad ng terminal fee sa lahat ng paliparan na ino-operate ng CAAP.
Sakop ng kautusan ang mga estudyante na naka-enroll sa pre-school hanggang college gayundin ang mga mag-aaral sa trade, arts, technical at vocational schools at training centers.
Kailangan lamang ay mag-apply ang mga estudyante ng student exemption certificate sa mga Malasakit Help Desks sa mga paliparan para makalibre sa terminal fee.
Ang mga estudyante na bumiyahe ng Agosto 1 ay maaring kumuha ng refund sa mga Malasakit Help Desk. DWIZ882
Comments are closed.