SUAREZ, POLO TEAM SA PSA FORUM

Charly Suarez

TATALAKAYIN ng nagbabalik na si national boxing team member Charly Suarez at ng Philippine men’s polo team ang kani-kanilang kampanya sa 30th Southeast Asian Games sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Amelie Hotel-Manila.

Si Suarez ang magiging unang Filipino pro boxer na sasabak sa isang  international multi-sports event makaraang  maging bahagi siya ng boxing team sa SEA Games. Sasamahan siya sa 10:00 a.m. session ni coach at dating national team member Delfin Boholst.

Bibisita rin sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang ilang miyembro ng water polo team na tumapos sa ika-5 puwesto sa FINA Water Polo Challengers’ Cup over nitong weekend sa Singapore.

Ang session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa  Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

Inaanyayahan ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa forum.

Comments are closed.