NASA P10,000 na lamang ang dapat sana’y P20,000 subsidy sa mga driver sa ilalim ng Pantawid Pasada Program sa sandaling matuloy ang pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo simula sa Enero 2019
Ito ang nabatid kahapon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino sa ginanap na press briefing sa Malakanyang.
Ipinaliwanag ni Lambino na layunin ng pamimigay ng subisidiya sa mga driver na mabawasan ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, partikular ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo.
“Dagdag ko lang po na iyong disenyo ng Pantawid Pasada Program ay para i-offset iyong excise. It’s for the excise. It’s not for the increase in our international oil imports. It was not designed for that. Kaya po dahil excise po iyong isu-suspend, iyong pag-adjust ng amount ng Pantawid Pasada ay aligned po doon sa layunin ng programa,” wika ni Lambino
Samantala, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na umaabot pa lamang sa 40 porsiyento ang naipamamahagi nilang Pantawid Pasada subsidy cards.
“We already have distributed the total of 40.14% of those cards which were already printed and were already downloaded to the regions which would translate to 57,227 cards all in all,” ani Delgra.
“We have been asked to update the public regarding the Pantawid Pasada Program that is ongoing until now, and we hope to finish this before the end of the year. As of the latest po, October 23, 2018, 6:30 in the evening, last night,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Delgra, tuloy-tuloy ang pagproseso para sa agarang distribusyon ng cards at depende na rin sa koordinasyon sa mga LTFRB regional director at managers ng Landbank kung saan naka-enroll ang naturang cards.
“And that’s the reason why kailangan silang magsama at mag-tandem sa pagbibigay ng cards doon sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pasada cards,” sabi pa ng opisyal. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.