BAGO tinanggap ni Sue Ramirez ang role ng pagiging homewrecker sa “The Broken Marriage Vow,” siniguro muna niyang kilalang kilala niya ang character ni Lexy Lucero.
Si Lexy ang third party, pero kung pakawawariin, biktima rin siya ni David na ginagampanan naman ni Zanjoe Marudo, kaparehi ni Jill na ginagampanan naman ni Jodi Sta. Maria.
Pinaghandaan raw mabuti ni Sue ang role mentally and physically. Inaral niya kung paao maging mistress at kung paano maging yoga instructor by profession dahil iyon ang trabaho ni Lexy.
Ayon sa aktres, wala naman siyang bad blood sa mga mistresses at totoo namang nangyayari ito sa totoong buhay, pero kung siya ang tatanungin, hinding hindi niya ito gagawin.
Paliwanag ni Sue, iba ang personalidad ni Lexy sa totoong siya.
“She comes from a rich family. She’s not a spoiled brat, but she always gets what she wants because she’s smart. It’s just that people become stupid when they fall in love. Even though she had wanted to avoid it, temptation kept coming for her. She felt defenseless against it,” paliwanag ni Sue. “I had to embrace Lexy and all of her emotions. I really had to open my mind. Of course, I would not do it personally, but I cannot deny the fact that this is happening in real life.”
Gladys Guevarra kay Sharon Cuneta: “Lumabas ang tunay na ugali.”
Hindi lang ang mga netizens kay Sharon Cuneta kundi maging si Gladys Guevarra dahil sa pang-aasar niya kay senatorial aspirant Salvador Panelo, kaugnay ng pag-awit nito sa kanta ng Megastar na “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang campaign sortie sa Quezon City.
Ayon kay Gladys, mayroon din siyang pamangkin at pinsan na may Down syndrome kaya nakikisimpatiya siya kay Panelo. May anak din daw siyang may autism, kaya nirerespeto niya ang nararamdaman ni Panelo.
Masasabi raw niyang amazing father si Panelo dahil mahal na mahal niya ang anak niya. Hindi man lamang daw ito kinunsidera ni Sharon.
Dati raw, idolo niya si Sharon, pero dahil sa ginawa nito kay Panelo, nawalan siya ng gana. Ngayon daw ay malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay na ugali ng Megastar.
Walang reaksiyon si Sharon sa mga banat ni Gladys at sa ngayon ay burado na sa social media accounts ni Sharon ang post niya tungkol kay Panelo.
KC Concepcion naki-bonding sa mga kapatid kahit wala si Gabby Concepcion
Ngayong nasa Pilipinas na si KC Concepcion matapos ang halos isang taong pagbabakasyon sa U.S., hindi ang inang si Sharon Cuneta ang una niyang pinuntahan kundi ang kanyang amang si Gabby Concepcion para maki-bonding sa mga kapatid niya dito.
Dinalaw niya ang mga kapatid niya sa ama na sina Samantha at Savannah na anak ni Gabby kay Genevieve Yatco Gonzales. Bihirang makunan ng larawan si Genevieve dahil mahiyain ito.
Sa totoo lang, wala si Gabby sa bahay nang dumalaw si KC sa kanyang mga kapatid dahil naka-lock-in taping ang Kapuso star para sa First Lady kaya nag-video call na lang siya dito. Kasama nga pala ni Gabby si Sanya Lopez sa series na ito.
Tipong mas malapit si KC sa mga kapatid niya sa ama kesa mga kapatid niya kay Sharon Cuneta dahil kasama pa niya sina Samantha at Savanna nang magbakasyon siya sa bahay ng ama sa Lobo, Batangas noong 2021 Holy Week break.
Aniya, meron man siyang “unconventional blended family” tanggap niya ito at mahalaga sa kanya ang pagkakaroon ng bonding time sa kanila.
Okay raw naman ito sa kanyang ina at supportive din si Sen. Kiko Pangilinan sa mga gusto niya. Ngayong nasa Manila si KC, nangako siya ng suporta sa kandidatura ng kanyang stepfather na kumakandidatong bise presidente sa 2022 elections. KNM