SINAMPAHAN ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang importer kasama ang customs broker, at 12 empleyado ng BOC na hinihinalang kasabwat sa nakatakdang pagpapalabas ng smuggle na asukal sa Manila International container port (MICP).
Ang mga akusado ay ang may-ari ng Don Trading na si Dennis Orlanda Narra, Ameloden Riga, Customs broker at ang 12 BOC employees na sina Rul Pantaleon, Raul Cimagala Jr., Vanzandt Remonde, Edmar Batina, Robert Tuazon, pawang mga examiner, Customs appraisers Jose Saromo, Benjamin Cayao, Leonora Navarro, Arlene Salazar at ang dating MICP OIC District collector na si Fidel Villanueva.
Nakasaad sa complaint na nakipagsabwatan at nagkaroon ng cover up ng mga kawani ng BOC sa Don Trading sa ilegal na pagpapalabas ng 5,000 sako ng asukal na tinatayang aabot sa 13, 522, 154.1 milyong piso nitong nakalipas na Agosto 16 sa MICP.
Lumalabas sa datos ng Customs na dumating ang asukal o anim na shipments ng Don Trading sa bansa nitong Agosto 16 sa MICP, na galing pa sa Thailand.
Ayon sa report na ipinarating kay Commissioner Isidro Lapeña ng mga sinasabing kasabwat na mga empleyado, na lahat ng mga naturang asukal ay in-order o dumaan sa tamang proseso.
Sa resulta ng isinagawang re-examination ng kanyang mga tauhan ay nadiskubre ng mga ito na asukal ang tunay na laman ng mga container at taliwas sa naging deklarasyon ng mga nasasakdal upang magkamal ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitan ng pandaraya. FROI MORALLOS
Comments are closed.