PATULOY na nadadagdagan ang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok ngayong taon.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), bandang 6:00 ng Linggo ng umaga ng Disyembre, mayroon nang 46 na kaso ng firecracker-related injuries ang naitala.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na kalahati lang ang bilang kumpara sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.
Lumalabas sa resulta na pababa ang pattern ng bilang ng mga nasusugatan ng paputok sa bansa taon-taon.
Limang biktima naman ang naputulan ng mga daliri dahil sa paputok.
Karamihan sa mga biktima ay may edad 10 hanggang 14 taong gulang.
Comments are closed.