SUGATANG PINOY SA BEIRUT BLAST UMAKYAT NA SA 42

Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola

UMAKYAT na kabuuang 42 ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa malagim na pagsabog sa Beirut, Lebanon matapos na  makapagtala ng karagdagang 11 pang injuries.

Bukod dito, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na may naiulat na isa pang nawawala kaya’t  dalawang Pilipino na ang hinahanap dulot ng nasabing ng trahedya.

Gayunpaman, nananatili naman sa apat ang bilang ng mga Pinoy na nasawi rito.

Kaugnay nito, ayon kay Foreign Affairs Secretary Tedoro Locsin Jr. ay  magbabayad ang ahensiya ng  P15 milyon para sa chartered flight na gagamitin para mapauwi ang mga Pinoy mula Lebanon.

Kasamang iuuwi ng chartered flight ang labi ng apat na nasawing OFWs sa darating na Agosto 16.

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na plano ng pamahalaan na marepatriate ang labi ng apat na nasawing Pilipino sa Agosto 20.    LIZA SORIANO

Comments are closed.