SUKATAN NG LAKAS (Gin Kings vs Fuel Masters;E-Painters vs Road Warriors)

araneta

Standings:

W       L

TNT Katropa                       7       1

NorthPort                           7       2

Magnolia                             4       2

Blackwater                          5       3

Barangay Ginebra            4       3

Alaska                   4       4

Rain or Shine                      3       3

Phoenix                               3       4

Meralco                               3       5

San Miguel Beer               2       4

Columbian                          1       6

NLEX                      1       7

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. –  NLEX vs Rain or Shine

7 p.m. – Phoenix vs Ginebra

MAGKAKASUBUKAN ang Barangay Ginebra at Phoenix sa tampok na laro sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Gin Kings ang Fuel Masters sa alas-7 ng gabi matapos ang sagupaan ng Rain or Shine Elasto Painters at NLEX Road Warriors sa alas-4:30 ng hapon.

Nakapasok ang NLEX sa win co­lumn makaraang gapiin ang sister team Meralco, 100-91, noong Hunyo 19 sa Mall of Asia Arena matapos na lumasap ng  pitong sunod na kabiguan.

Babalik ang Phoenix sa hardcourt na mataas ang morale makaraan ang panalo laban sa early quarterfinalist NorthPort noong Miyerkoles sa Big Dome.

Sa import match-up ay lamang si Justine Brownlee kay Richard Ho­well, habang malakas ang frontline ng Ginebra, sa pangunguna nina LA Tenorio, Scottie Thompson, Jeff Chan at ng bagong saltang si Stanley Pringle, at pangungunahan ng twin towers nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter ang shaded area, katuwang si Joe Devance.

Tiyak na mahihirapan sina Justin Chua, Dave Marcelo, at Dough Kramer na pigilin ang tatlo dahil sa kanilang height advantage.

Sa kabila na nakalalamang sa halos lahat na departments, walang balak na magkumpiyansa ang Gin Kings dahil may kakayahan ang Fuel Masters na baligtarin ang laro sa kanilang pabor.

Muling pangungunahan ni Filipino-Canadian Matthew Wright ang opensiba ng Phoenix, katuwang sina RJ Jazul, JC Intal, Jason Perkins, Alex Mallari, at LA Revilla.

Pinapaboran din ang RoS kontra NLEX dahil angat si Denzel Bowles laban kay Olu Ashaok na kasalu-kuyang nag-aadjust sa laro ng Road Warriors matapos na palitan si Tony Mitchell. CLYDE MARIANO

Comments are closed.