SUMALPOK SA PATROL CAR: LADY RIDER UTAS, 1 PA SUGATAN

aksidente

PATAY sa pagamutan ang isang lady rider habang malubhang nasugatan ang backride nito matapos bumangga sa isang police patrol car sa Mandaue City.

Sa ulat ng Mandaue City Police Office, naganap ang aksidente sa Barangay Subangdaku, dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay P/Master Sergeant Rolando Gelido ng Traffic Management Unit (TMU) ng Mandaue City Police Office (MCPO), namatay sa lakas ng impact ang 29-anyos na si  Cathleen Chavez, habang sugatan ang angkas niyang si Ruecel Carcuevas, 22-anyos.

Lumabas sa pagsisiyasat ni Gelido ng Traffic Management Unit (TMU) may hawak ng kaso,  mabilis ang takbo ng  motorsiklo nang sumalpok ito sa mobile  car ng MCPO Police Station 4.

Isinugod pa sa Mandaue City Hospital ang dalawa pero si Chavez ay idineklarang dead on arrival.

Inaalam pa kung nakainom ang dalawa nang mangyari ang aksidente. VERLIN RUIZ

Comments are closed.