NAGPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng bigtime rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon, April 1.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Petron at Phoenix LPG na tinapyasan nila ang presyo ng LPG ng P9.20 per kg., habang ang Solane ay may P9.18 per kg. na bawas-presyo.
Ang adjustments ay katumbas ng P100.98 hanggang P101.20 para sa 11-kg. household LPG cylinder.
Bumaba rin ang presyo ng AutoLPG ng P5 per liter para sa Cleanfuel; P5.14 per liter para sa Petron; at P5.15 per liter para sa Phoenix.
Ang rolbak ay dahil sa paggalaw ng gas prices sa international market para sa buwang ito.
PNA