MALAKIHANG bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang sumalubong sa unang araw ng Disyembre.
Ayon sa Petron, P4.75 ang ibinaba ng presyo ng kada kilo ng kanilang LPG habang P2.66 naman ang rolbak sa presyo ng kada litro ng Auto-LPG epektibo ala-1 ng umaga kahapon.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of December,” ayon sa Petron.
Nasa P4.37 naman ang tapyas sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Solane.
Ang bawas-presyo ay pumutol sa limang sunod na buwan ng price hike sa LPG products.
Ang price rollback ay nagresulta sa P48.07 hanggang P52.25 na pagbaba sa presyo ng regular 11-kilogram LPG tank.