NAGPATUPAD ang Phoenix Petroleum ng rolbak sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas at auto LPG products nitong Linggo.
Epektibo Mayo 1, ang presyo ng kanilang LPG tank ay may bawas na P5.75 per kg,
Ang price adjustment ay katumbas ng P63.25 na rolbak para sa typical 11-kilogram cylinder.
Para sa auto LPG, ang bawas-presyo ay P3.20 per liter.
Nauna nang nag-anunsiyo ang Petron Corp. noong Sabado ng big-time rollback sa presyo ng kanilang household at auto LPG products.
Sa abiso ng Petron, magpapatupad ito ng bawas-presyo epektibo alas-12:01 ng umaga, Mayo 1, 2022.