SUMMIT SA PAGITAN NINA TRUMP AT KIM PINURI NG PALASYO

Presidential-Spokesman-Harry-Roque

PINURI ng Malakanyang ang naganap na landmark summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na kaisa ang Filipinas sa pagbibigay ng suporta para sa ganap na tagumpay ng landmark summit upang matamo ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon at sa buong mundo.

“This development, which has underscored in the strongest terms the value of diplomacy and peaceful dialogue, augurs well for the peace, security and stability in the region and the world,” pahayag nito.

“History has indeed been written. At the same time, this is but the beginning of a process. The Philippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition,” dagdag ni Roque.

Sa naturang one-on-one meeting nina Trump at Kim noong Martes na ginanap sa Capella Hotel sa Sentosa Island sa Singapore ay lumagda ang dalawang lider ng joint statement kung saan ay muling tiniyak ni Kim ang pangakong complete denuclearization ng Korean Peninsula.

Ayon kay Trump, nagkasundo sila ni Kim para sa agarang implementasyon ng mga ni­lagdaang kasunduan sa lalong madaling panahon bagamat nananatili pa rin ang sanctions na ipinataw sa North Korea.

“The sanctions will come off when we are sure that the nukes are no longer a factor.  Sanctions played a big role, but they’ll come off at that point.  I hope it’s going to be soon, but they’ll come off,” ayon kay Trump sa isinagawang  press conference sa Singapore.

Sa  Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting noong nakaraang taon kung saan ang Filipinas ang chairman ng ASEAN ay mahigpit ding isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang denuclearization ng North Korea. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.