CAMP CRAME – DUMAMI pa ang mga prisoner na naka-avail ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko na sa Philippine National Police (PNP) at sa huling datos ay umabot na sa 188.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen Oscar Albayalde, mula Setyembre 5 hanggang kahapon, Setyembre 10, naitala ang pagsuko ng convicts.
Dalawampu’t siyam na mga prisoner na sumuko ay nai- turn over na sa Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa nakuhang official list ng PNP mula sa BuCor, umaabot sa 1,914 ang mga prisoner na naka-avail ng GCTA mula taong 2014.
Ibig sabihin may 1,600 pang prisoner na naka-avail sa GCTA Law ang hinihintay ng PNP na sumuko bago matapos ang 15-day grace period na ibinigay ng Pangulo na ang deadline ay sa Setyembre 19.
Kapag natapos na ang 15-day period saka lamang ide-deploy ng PNP ang kanilang teams para tugusin ang mga hindi susukong convict na naka-avail ng GCTA. REA SARMIENTO
Comments are closed.