(Sumunod sa yapak ng parents) MCCOY DE LEON MAY SARILI NANG FRANCHISE NG LUGAW REPUBLIC

MCCOY DE LEON

MATAGAL nang negos­yante ang mga magulang ng Kapamilya actor na si Mccoy deentra eksena Leon, at ngayong malaki na ang ipon sa pag-aartista ay may sarili na itong franchise ng iniendorso niyang #LugawRepublic na nagbukas na noong  October 9 loca­ted sa tapat ng gate 10 ng UST Dapi­tan Street Sampaloc Manila Brgy 471.

“Si­yempre po salamat po Sir @ojnebcruz- (CEO at president ng Lugaw Reoublic) sa opportunity na ‘to. “Hindi ko akalain sa buong buhay ko magkakaron ako ng negosyo pero dahil sa inspirasyon ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko nabuo ang isang pangarap na ‘to. Sana masamahan niyo po ako sa panibagong matutunan ko sa lara­ngan ng buhay at gaba­yan niyo po sana ako Panginoon,” hiling pa ni Mccoy na hindi lang ang showbiz career ang priority ngayon kundi ang kanyang negosyo.

FAST RISING MALE ARTIST MIGZ COLOMA, NAKIPAG-CHIKAHAN KAY MADAM CHIKA SA V81 RADIO

MUKHANG mapapahiya ang mga detractor ng fast-rising male artist na si Migz MIGZ COLOMAColoma dahil sunod-sunod ang TV and radio guestings nito. Last October 11, featured guest si Migz ni Madam Chika sa kanyang malaganap na internet show na “GSpot” sa V81 Radio na live na napapakinggan at napapanood sa buong mundo via Facebook. Napanood namin ang nasabing guesting ni Migz at ang husay na niyang sumagot sa mga hirit na tanong sa kanya ni Madam Chika na very funny and jolly sa ere.

Ikinuwento ng newest recording artist(Migz) ang naging buhay nito sa 8 taon na paninirahan sa United Kingdom kasama ang kanyang pamilya. At wala raw siyang British accent kasi talagang ipinagmamalaki niyang Pinoy siya. Pero pinagbigyan pa rin nito ang host ng show at mag-British accent na  naitawid naman ng singer. Nagustuhan pala ni Madam Chika ang song ni Migz na “Kayo Na Naman Bang Dalawa?” na kinanta nito ng live at uso raw ang tunog at maraming makare-relate na millennials. Marami ang nanood ng nasabing guesting ni Migz na kamakailan lang ay nagpasaya’t nag-serenade ng mga lola at lolo sa Grandparents Day sa Riverbanks Center Mall sa Marikina, kung saan naging proud sa kanya ang kanyang grandmother na si Lola Emma.

MISTER NA INIWAN NG KANYANG MISIS NABIGYAN NG MALAKING BIYAYA SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY

DAHIL sa isang mabuti at responsableng ama sa kanyang mga anak, iniwan man ng kanyang misis si Mang Ricardo ay may kumatok na suwerte sa kanya nang manalo sa Sugod Bahay sa Barangay. “Iniwan man ako ng asawa ko, hindi ‘yon naging hadlang  para magsumikap ako para sa mga anak ko. Itataguyod ko sila hangga’t kaya ko, sa tulong ng Eat Bulaga lahat ng napanalunan ko ay ilalaan ko para sa magandang kinabukasan ng bunso ko.” ‘Yan ang istorya ni Mang Ricardo na tumayong ina at ama sa kanyang mga anak. Hinarap nya ang hamon para itaguyod ang kanyang mga anak.

Abangan pa ang iba’t ibang totoong kwento ng buhay sa daily public service segment na ito ng nag-iisang paboritong noontime variety show na Eat Bulaga!