SUNDALO ARESTADO SA KASONG RAPE

ALBAY-DINAKIP ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army ng Bicol-PNP sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa kasong 4 counts of rape at anti-child abuse law.

Kinilala ni /PNP-PRO5 Regional Director BGEN Jonnel Estomo ang inarestong sundalo na si Christian Hacutina Bahilo, 30-anyos na
nakatalaga sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija na residente ng Purok 1, Badian, bayan ng Oas, Albay.

Si Bahilo ay tinuturing na Daraga, Albay Most Wanted Personality in Municipal level ay trinabaho ng PNP-PRO5, Albay, Daraga MPS katulong ang ilang operatiba ng HQS COY Special Force Regiment Airborne Unit at Palayan City Police Station .

Matapos ang ilang araw na intelligence operation, nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Jose Pocholo R Del Rosario, Presiding Judge ng RTC Familiy Court Branch 2, 5th Judicial Region, Daraga (Locsin), Albany na walang piyansang inirekomenda sa four count of rape na kinakaharap nito.

Inihain ang kaso laban sa suspek ng mga magulang ni Christina Maria (hindi tunay na pangalan), estudyante na umanoy ilang ulit na pinasok sa bahay at ginawang ng kahalayan at pinagbantaang papatayin kapag nagsumbong.

At dahil sa sundalo ang suspek, nagtago ito sa loob ng kanilang kampo sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija subalit hindi ito kinunsinti ng pamunuan ng Hqs Company, Special Forces Regiment, Airborne unit na agad nakipag-ugnayan sa PNP-PRO5. VERLIN RUIZ