SUNDALO INAMBUS NG SPARU NG NPA

sundalo

NEGROS ORIENTAL- ISANG tauhan ng Philippine Army ang nasawi nang tambangan ng  communist terrorist Sparu unit sa Guihulngan City sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nasawi sa pananambang si Corporal Mark Anthony Quioschon matapos paulanan ng bala ng mga kasapi ng Sparu ng NPA,

Sa pahayag ni Major Cenon Pancito, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng PA nasa opisyal mission ang sundalo para sa kanilang community support program sa Barangay Luz.

Hinihinalang retaliatory attack ang inilunsad ng NPA Sparu Unit matapos na mapatay ng military sa isang engkuwentro ang limang miyembro ng NPA sa bayan ng Mabinay, Negros Oriental noong Hun­yo 18. VERLIN RUIZ

Comments are closed.