SUNDALO NAPATAY NG PINSAN SA PMA FACILITY  

nang agaw ng baril

BAGUIO CITY –  AKSIDENTENG napatay ang 42-anyos na sundalo ng Phil. Army makaraang tamaan ng bala ng baril na hawak ng kanyang pinsan sa loob ng gusali ng Camp Henry  Allen sa Phil. Military Academy (PMA) facility noong Huwebes ng gabi.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Army Staff Sgt. Romenick Dawaton,Liaison Officer ng Armed Forces of Philippines (AFP) Northern Luzon Command (NOLCOM) habang nasa police custody naman ang suspek na si Balmaceda Dawaton, 20-anyos, pinsan ng biktima at kapwa tubong Kalinga.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na magkasamang nag-iinuman ang magpinsan sa loob ng ATF building sa PMA facility nang utusan ni Staff Sgt. Dawaton ang pinsan na kunin ang kanyang cal. 45 service pistol para sa safekeeping.

Kaagad naman sumunod ang suspek kung saan nagtungo sa kuwarto ng biktima at kinuha ang pistola na habang inaalis ang magazine ay aksidenteng nakalabit nito ang gatilyo ng baril.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumagos ang bala sa kaliwang palad ni Balmaceda saka tumama sa tiles na sahig kung saan nag-bounce ang bala at tinamaan sa dibdib ng biktima.

Naisugod pa sa ospital ang sundalo subalit namatay din habang ginagamot habang ang suspek at baril na ginamit ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon. MHAR BASCO

Comments are closed.