DALAWANG pulis ang namatay habang isa ang sugatan makaraang makoryente at ma-suffocate umano ang mga ito kahapon ng madaling araw sa tinutuluyang barracks sa loob ng Camp Crame, Quezon City.
Batay sa ulat ng Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, naganap ang sunog bandang alas-2:30 ng madaling araw sa compound ng Logistics Support Service (LSS).
Kinilala naman nasugatan na si Capt. Victorioso Yulde, miyembro ng Special Action Force (SAF); habang ang nasawi ay sina PSSgt Nichol Jamosjos ng SAF at PMSg Amado Ormillon Jr. ng Base Fire Section, Headquarters Support Service.
Tumagal ng halos 30 minuto ang apoy at dakong alas-3:06 ng madaling araw na naapula.
Sa salaysay ni Yulde, nasawi sa suffocation si Jamosjos habang si Ormillon na nagresponde ay nakoryente nang tumama ang ulo sa live wire.
Isinugod sa PNP General Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ni PMaj Dr. Clarissa Mondes si Ormillon at ilang minuto naman si Jamosjos.
Samantala, nasa maayos ng kalagayan si Yulde. EUNICE CELARIO
Comments are closed.