NAGSANIB-PUWERSA sina Frank Kaminsky at Abdel Nader upang tulungan ang Phoenix Suns na putulin ang 3-game losing streak sa pamamagitan ng 114-93 panalo kontra Golden State Warriors.
Nagtala si Nader ng 16 points habang nailista ni Kaminsky ang triple double sa kinamadang 12 points, 13 rebounds at 8 assists.
Tanging kay Stephen Curry sumandal ang Warriors matapos itong magbuhos ng 27 points, kabilang ang 10-of-20 sa shooting area.
Nag-ambag ng 16 points si Andrew Wiggins habang gumawa si Eric Paschall ng 12.
PISTONS 107,
LAKERS 92
Umiskor si Blake Griffin ng 23 points at hindi pinaiskor ng host Detroit Pistons ang Los Angeles Lakers sa loob ng halos pitong minuto sa fourth quarter tungo sa 107-92 panalo.
Ang dalawang koponan ay kapwa sumalang sa ikalawang laro ng back-to-back, subalit naging mas matatag ang Pistons.
Tumipa si Wayne Ellington ng 20 points, kabilang ang anim na 3-pointers, at nagdagdag sina Mason Plumlee ng 17 points at 10 rebounds at Jerami Grant at Derrick Rose ng tig-14 points para sa Detroit.
Nagposte si LeBron James ng 22 points ngunit dalawa lamang matapos ang halftime para sa Lakers. Nag-ambag din siya ng 10 assists at 7 rebounds. Nakalikom si Kyle Kuzma ng 22 points at 10 rebounds, at nagdagdag si Talen Horton-Tucker ng 13 points mula sa bench.
ROCKETS 104,
BLAZERS 101
Sumandal ang Houston Rockets sa 25 puntos na tinipa ni Victor Oladipo upang gapiin ang Portland Trail Blazers, 104-101 .
Naharap sa 20-point deficit ang Rockets sa unang yugto ng laro ngunit nagawa nila itong burahin at kunin ang kanilang apat na sunod na panalo.
Isang driving layup ni Oladipo ang nagbigay ng 101-98 kalamangan sa Rockets sa huling 26.2 segundo ng labanan.
Ngunit nagpalitan lamang ng buslo sina Gary Trent at Christian Wood para sa isang puntos na bentahe ng Rockets.
Nagbuhos ng 30 points at 9 rebounds si Damian Lillard para sa Portland.
CLIPPERS 109,
HEAT 105
Kumamada si Nicolas Batum ng 18 points para pangunahan ang LA Clippers laban sa Miami Heat, 109-105.
Nakatuwang ni Batum si Lou Williams na gumawa ng 17 pintos para sa Clippers, na muling naglaro na wala sina Kawhi Leonard at Paul George sanhi pa rin ng protocol ng liga, gayundin si Patrick Beverley na maga pa rin ang kanang tuhod.
Comments are closed.