ISINALPAK ni Devin Booker ang decisive free throw, may 32.6 segundo ang nalalabi, upang selyuhan ang 30-point performance nang maungusan ng Phoenix Suns ang bisitang Milwaukee Bucks, 125-124, noong Miyerkoles ng gabi (oras sa US).
Nagdagdag si Chris Paul ng 28 points at 7 assists para sa Phoenix na nakopo ang ika-4 na sunod na panalo at ika-7 sa huling walong laro.
Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng season-best 47 points subalit nagmintis sa isang 20-foot jumper sa pagtunog ng buzzer, na tumapos sa season-best, five-game winning streak ng Milwaukee.
Kumalawit din si Antetokounmpo ng 11 rebounds at nagbigay ng 5 assists. Naipasok niya ang 15 sa 23 field-goal at-tempts at naisalpak ang 17 sa 21 mula sa free-throw line at bumagsak ang Bucks sa 3-1 sa six-game road trip.
Nakalikom si Khris Middleton ng 18 points at 11 assists at naitala ni Bryn Forbes ang lahat ng kanyang 17 points sa first half para sa Milwaukee.
Umiskor si Deandre Ayton ng 17 points, at nag-ambag sina Mikal Bridges ng 15 at Frank Kaminsky ng 14 points, 8 re-bounds at 8 assists para sa Suns, na 4-0 sa seven-game homestand.
LAKERS 114,
THUNDER 113
Nagbuhos si LeBron James ng 25 points, 7 assists at 6 rebounds upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa ika-6 sunod na panalo sa pagdispatsa sa bisitang Oklahoma City Thunder, 114-113, sa overtime.
Tumipa si Montrezl Harrell ng 20 points, nagdagdag si Dennis Schroder ng 19 at nagbigay si Kyle Kuzma ng 15 para sa Lakers, na naglaro na wala sina Anthony Davis (Achilles) at Alex Caruso (hand) sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Tumapos si Al Horford na may 25 points, 8 assists at 8 rebounds para sa Oklahoma City. Hindi naglaro para sa Thunder sina Shai Gilgeous-Alexander (knee), nangunguna sa koponan sa scoring at assists, Isaiah Roby (foot, third straight game) at Theo Maledon (health and safety protocols, second in a row).
Nagposte si Kenrich Williams ng 24 points, at nagdagdag sina Luguentz Dort ng 17 at Hamidou Diallo ng 15 points at 13 rebounds para sa Thunder, na natalo ng tatlo sa kanilang huling apat.
Ito ang ikatlong sunod na overtime contest para sa Lakers, ang huling dalawa ay kontra lThunder.
BULLS 129,
PELICANS 116
Tumirada si Zach LaVine ng game-high 46 points, gumawa si Coby White ng 30, at nagtala ang Chicago Bulls ng fran-chise record na 25 3-pointers sa 129-116 panalo kontra bisitang New Orleans Pelicans.
Ayon sa NBA.com, sina LaVine at White ay naging unang teammates sa kasaysayan ng liga na nakagawa ng hindi bababa sa walong 3-pointers sa parehong laro.
Si LaVine ay bumuslo ng 17-for-25 overall at 9-for-14 mula sa 3-point range, habang si White ay kumonekta ng 10-for-20 overall at 8-for-17 mula sa 3-point area.
Umiskor si Zion Williamson ng 29 points sa 12-for-18 shooting upang pangunahan ang Pelicans. Tumipa sina Brandon Ingram at Lonzo Ball ng tig-21 points para sa New Orleans, na naputol ang four-game winning streak.
NUGGETS 133,
CAVALIERS 95
Nagposte si Paul Millsap ng season-high 22 points sa kanyang 36th birthday, nagdagdag si Michael Porter, Jr. ng 19 points at tinambakan ng Denver Nuggets ang Cleveland Cavaliers, 133-95.
Nakakolekta si Nikola Jokic ng 12 points at 12 assists, habang nag-ambag sina Barton ng 16, Zeke Nnaji ng 14 at Monte Morris ng 12 para sa Denver, na naputol ang three-game skid.
Tumabo si Jarrett Allen ng 18 points at 10 rebounds at nagdagdag sina Taurean Prince ng 12, Dylan Windler ng 11 at Isaac Okoro ng 10 para sa Cleveland, na natalo ng limang sunod.
Sa iba pang laro ay pinaamo ng Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 119-112;
pinadapa ng Grizzlies Memphis ang Charlotte Hornets, 130-114; kinatay ng Dallas Mavericks ang Atlanta Hawks, 118-117; at nilambat ng Brooklyn Nets ang Indiana Pacers, 104-94.
Comments are closed.