CAMP CRAME – NAKAPAGTALA ng 41 violence incidents ang Philippine National Police (PNP) sa mismong araw ng eleksiyon noong Mayo 13.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac sa press conference kahapon.
Subalit nilinaw niyang hindi pa ikinokonsidera ng PNP na election related incidents ang 41 violence incidents dahil nagpapatuloy pa ang validation.
Aniya, ang mga violence incident na ito ay suntukan, pagsabog at pamamaril.
Dagdag pa ni Banac, sa pre-election ay nakapagtala na ang PNP ng 43 election related incidents.
Ito ay na-monitor mula Enero 13 hanggang Mayo 12, 2019.
Una nang naihayag ni PNP Chief, General Oscar Albayalde na 60 porsiyento na mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na 2016 election na may 106 election related incidents at 2013 election na may 94 election related incidents. REA SARMIENTO
Comments are closed.