NAGING “maayos” o “matino” ang supermarket operators sa pagtalima sa suggested retail prices (SRP) ng pangunahing bilihin, sa patuloy na pagbabantay ng gobyerno laban sa panghuhuthot, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez kamakailan.
“Wet markets, however, are more at the mercy of supply and demand fluctuations since they sell mostly agricultural products,” pahayag ni Lopez sa lawmakers.
“I can guarantee you, we monitor all groceries and supermarkets for price compliance,” sabi ni Lopez sa hearing ng House of Representatives tungkol sa tax reform program ng gobyerno.
“If ever violators are caught, prices are corrected ‘immediately,’” ani Lopez.
Nagbanta na ang awtoridad sa mga retailer laban sa mga nagtataas ng presyo ng walang pakundangan sa unang bagsak ng tax reforms na ipinatupad noong Enero 1.
Ang buwis sa krudo, sugar-sweetened drinks, tobacco at alcoholic beverages ay tinaasan para ma-offset ang pagbabawas sa personal income tax rates at matulungan na mapondohan ang P8-trillion na programang imprastraktura ng gobyerno.
Comments are closed.