SUPLAY NG BIGAS… MAGWAWAKAS?

edwin eusebio

Kanya-kanyang palusot may iba’t ibang paliwanag..

Bakit ba ang Bansa kinakapos ng Bigas?

Ang Filipinas na dati-rati ay nagluluwas…

sa Bigas na butil…ngayon ang bansa ang umaangkat.

 

Marami raw Aspeto at mga kadahilanan

Bakit ang pagsasaka ay kinatamaran…

Mga magsasaka Umayaw nang tuluyan…

Mga lupain nila’y ibinenta,..pagsasaka ay iniwan.

 

Ang dating taguri na Rice Granary ng Asya

Kasaysayan na lang, na ngayon na inaalala…

Rice Terraces na naging bantog at kilala…

Napabayaan ding tuluyan… gumuguho na nga ‘di ba?

 

Ano ba ang hakbang ng Pamahalaan…

May naiisip na ba silang mga paraan?

Mga magsasaka na napabayaan…

Masisisi ba kung lupain nila ay ipagbili at iwan?

 

Ang disensyo ngayon ng mga Patubig…

Hindi na Angkop sa dating kabukiran sa paligid…

Ang mga Pinitak at malalawak na bukid…

Naging mga Subdivisions na… Nabili ng mga Ganid!

 

Nakapanlulumo at nakahihiya na tayo ay Umaangkat na nga,

Ang bigas na dati ay sa atin inaani at kinukuha…

Tayo ngayon ang nagmamakaawa sa karatig-bansa..

Pagbilhan tayo ng bigas kahit kaunti, sige na!

 

Sana naman aking idinarasal sa Dakilang Maykapal

Siya na ang gumawa muli ng mga paraaan…

Walang imposible sa Kanyang Kapangyarihan

Kahit pa sa mga batuhan…uusbong at mamumunga ang mga halaman.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na na­ririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.