SUPLAY NG LOKAL NA BAWANG KAPOS NA RIN

BAWANG

SA GITNA ng nagpapatuloy ng krisis sa sibuyas, inamin ng Department of Agriculture (DA) na nagkukulang na rin ang suplay ng lokal na bawang sa bansa.

Ayon sa DA-Region 1, maraming palengke na tanging imported na bawang na lang ang ibinebenta dahil sa shortage sa lokal na produkto.

Hindi na rin umano sapat ang stock ng naturang gulay sa mga cold storage facility para punan ang domestic requirement.

Samantala, batay sa monitoring ng DA, wala nang ibinebentang lokal na bawang sa mga pangunahing merkado sa bansa.

Ang imported na bawang ay nabibili sa halagang P90 hanggang P140 kada kilo, mas mura kumpara sa lokal na bawang na nasa P260 hanggang P300 kada kilo ang presyo.

DWIZ 882